^

Probinsiya

Ambush: 2 todas, 5 sugatan

-
GAPAN CITY, Nueva Ecija – Dalawa-katao ang kumpirmadong namatay, habang lima naman ang sugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang checkpoint ng pulisya sa bahagi ng Barangay Sto. Cristo Norte ng nabanggit na lungsod, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Loreto Espineli, hepe ng pulisya sa Gapan City, ang nasawing pulis na si PO3 Simeon Santiago ng Gapan City Police, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang sibilyan na namatay din sa pananambang.

Nakilala naman ang mga sugatan na sina SPO1 Jerry Casimiro, PO3 Rodrigo Turqueza, at PO1Rogelio Billana na pawang pulis-Gapan. Inaalam pa sa kasalukuyan ang pangalan ng dalawa pang sibilyan na nasugatan sa naturang insidente.

Napag-alamang nagbabantay ang mga biktimang pulis sa itinayong checkpoint nang bumuhos ang malakas na ulan dakong alas-10 ng gabi, kaya napilitan silang sumilong sa waiting shed na kasama ang ilang sibilyan.

Dahil sa hindi inaasahang may magaganap na karahasan ay kuntento ang mga biktima, subalit isang pampasaherong dyip ang tumapat sa kinasisilungan ng mga pulis at ilang sibilyan.

Dito nagsimulang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng malalakas na kalibre ng baril mula sa loob ng dyip na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army ang mga lulan.

Hindi naman nasiraan ng loob ang mga pulis na sugatan at nagawa pang makaganti ng putok sa mga rebelde na lulan ng dyip. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY STO

CHRISTIAN RYAN STA

CRISTO NORTE

GAPAN CITY

GAPAN CITY POLICE

JERRY CASIMIRO

LORETO ESPINELI

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with