2 tigok sa isdang butete, 6 pa naospital
November 10, 2005 | 12:00am
MORONG, Bataan Dalawa sa anim na anak ng pamilya Castro ang namatay samantalang anim ang naospital matapos na makakain ng ginataang isdang butete sa Sitio Gantuan Barangay Nagbalayong, Morong, Bataan noong Linggo ng tanghali.
Ang isang pamilya na biktima ng food poisoning ay nakilala na sina Raul Castro y Pateño, 42 anyos, mangingisda; ang asawa nitong si Lolita Castro y dela Cruz, 44, at mga anak na sina Analyn-13; Jessa-7; Rowell-5; Mary Rose-4; Raul Jr., 3 at Gina Rose-1 at 10 buwan.
Sa naantalang report na nakarating sa Camp Tolentino, dakong alas-10:00 ng umaga nang makahuli ng isda si Mang Raul at ipinaluto niya sa kanyang asawa para sa kanilang pananghalian.
Makaraan ang ilang oras nakaramdam umano ang mga biktima ng pamamanhid ng kanilang mga panga, pagsakit ng kanilang tiyan at pagsusuka.
Mabilis na itinakbo ng mga kapitbahay ang mga biktima sa Bagac Medical Center para agad na malapatan ng lunas subalit dead-on-arrival sina Rowell at Raul Jr. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest