^

Probinsiya

Ambush: 5 kawal, 3 sibilyan todas

-
CAMP AGUINALDO – Limang sundalo at tatlong sibilyang babae ang iniulat na nasawi habang apat pa sa tropa ng militar ang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagpasabog pa ng dalawang landmine na itinanim sa kalsada sa bayan ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa mga nasawing kawal ay nakilalang sina 1st Lt. Arthur Gelotin, unit commander; Cpl. Felix Tenoso, Pfc. Jesie Basaya, Pvt. Alexander Tupal at Pfc. Ventura.

Samantala, ang tatlong sibilyang nasawi ay may apelyidong Enot, Belonio at Gelotin na pawang malapit na kaanak ng mga kawal ng 15th Division Reconnaissance Company na nakabase sa Barangay San Agustin sa bayan ng Sapang Dalaga.

Sugatan naman sina Pfc. Piroy, Pfc. Rusiana, Pfc. Dominguez na pawang ginagamot sa Calamba District Hospital.

Ayon kay Army’s 1st Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Gabriel Habacon, ganap na ika-10:45 ng umaga nang tambangan ng mga rebeldeng NPA ang mga biktima habang patungo sa palengke sakay ng army vehicle sa bahagi ng Sitio Calunod sa Barangay Bitibot ng nabanggit na bayan.

Napag-alamang bago maganap ang pananambang ay dalawang malakas na pagsabog ang umugong sa dinaanan ng sasakyan ng mga biktima na tumilapon ng may 50 metro ang layo.

Kasunod nito ay sunud-sunod na putok ng malalakas na kalibre ng barill ang umalingawngaw mula sa komunistang grupo na nakaposisyon at nagtatago sa makapal na damuhan sa magkabilang bahagi ng nabanggit na highway.

Kaugnay nito, naglunsad na ng malawakang hot pursuit operations ang pinagsanib na elemento ng militar at pulisya laban sa naturang grupo ng mga rebelde na responsable sa madugong pag-atake. (Joy Cantos)

ALEXANDER TUPAL

ARTHUR GELOTIN

BARANGAY BITIBOT

BARANGAY SAN AGUSTIN

CALAMBA DISTRICT HOSPITAL

COMMANDER MAJOR GEN

DIVISION RECONNAISSANCE COMPANY

FELIX TENOSO

GABRIEL HABACON

SAPANG DALAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with