2 anak ginilitan ng nanay
October 10, 2005 | 12:00am
Camp Crame Isang 5-anyos na batang lalaki ang nasawi habang nasa kritikal namang kondisyon ang 5 buwang kapatid nitong sanggol na babae matapos gilitan sa leeg nang maburyong sa hirap ng buhay ang kanilang ina sa Sibonga, Cebu kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Razel Suerte sa tinamong malalim na laslas sa leeg at agaw buhay naman ang sanggol sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City.
Agad namang nasakote ang suspek na nahaharap sa kasong parricide na kinilalang si Sotera Suerte, 28 anyos at nasamsam mula dito ang isang pulgadang bagong hasang kutsilyo na siyang ipinanggilit sa leeg ng kaniyang dalawang natutulog na anak.
Batay sa ulat, dakong alas-11 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng pamilya sa Sitio Balaas, Tubog, Sibonga ng nasabing lalawigan.
Bigla na lamang umanong nilaslas ng suspek ang leeg ni Razel at isinunod ang 5 buwang sanggol nitong babae na nagawa namang maagaw ng tiyahin nito na kaagad isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Sa presinto, inamin ng suspek sa imbestigador na si SPO3 Ramon Padilla na hindi na umano niya matagalan ang hirap ng buhay dahilan walang hanapbuhay ang kaniyang asawa at madalas na sumasala sa oras ng pagkain ang kaniyang limang anak.
Nabatid pa na matapos gilitan ang leeg ng dalawang bata ay nagtangka ring magpakamatay ang suspek pero naagapan ito ng ilan nilang kasambahay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended