^

Probinsiya

NGO consultant pinalaya ng kidnaper

-
CAMP AGUINALDO — Makaraan ang 3 buwang pagkakabihag ay pinalaya na ng mga kidnaper ang dinukot na consultant ng Non-Government Organization (NGO) sa Molundo City, Lanao del Sur kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Vicente Oñate, officer-in-charge ng binuwag na Pucalan Plantation sa bayan ng Balabagan ng nasabing lalawigan ay ligtas na narekober ng mga awtoridad.

Nauna nang humingi ng P5 milyon ransom ang mga kidnaper para mapalaya ang biktima at napaulat na nakipagnegosasyon para bumaba ang halaga ng ransom.

Base sa record ng pulisya, ang biktima ay dinukot sa Integrated Southbound terminal sa Iligan City noong Hulyo 1, 2005.

Matapos marekober ng Task Force Ranao na pinamumunuan ni Brig. Gen. Ben Mohammad Dolorfino, ang biktima na napagkamalan itong tagapagmana ng isang mayamang angkan ng mga negosyanteng Chinese kaya ito kinidnap.

Naglunsad na ng malawakang hot pursuit operations ang tropa ng Phil. Marines laban sa mga kidnaper na responsable sa pagdukot sa biktima. (Joy Cantos)

vuukle comment

BALABAGAN

BEN MOHAMMAD DOLORFINO

ILIGAN CITY

INTEGRATED SOUTHBOUND

JOY CANTOS

MOLUNDO CITY

NON-GOVERNMENT ORGANIZATION

PUCALAN PLANTATION

TASK FORCE RANAO

VICENTE O

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with