^

Probinsiya

AFP vs NPA: 6 todas, 4 sugatan

-
CAMP AGUINALDO – Apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) at dalawang sundalo ang iniulat na nasawi habang apat pa sa tropa ng militar ang nasugatan sa naganap na magkakahiwalay na engkuwentro sa bahagi ng Isabela at Nueva Ecija, kamakalawa.

Bandang alas-11:30 ng tanghali nang makasagupa ng tropa ng Army’s 45th Infantry Battalion (IB) ang mga rebelde sa liblib na bahagi ng Barangay Madadamian, Echague, Isabela noong Setyembre 22.

Umabot ng 30-minutong bakbakan na ikinasawi nina 2nd Lt. Gerry Fernandez at Pfc James Alejandro.

Sa ulat na nakarating kahapon kay AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga, kinilala naman ang mga nasugatan na sina Private First Class Lorenzo Mina, Wesly Gines, Sgt. Freddie Gacay at isang tinukoy lamang sa pangalang Pfc Dominador.

Isa ring bangkay ng ’di pa nakilalang rebelde ang narekober sa pinangyarihan ng sagupaan at dinala na sa Carbonel Funeral Homes para maisailalim sa awtopsya.

Narekober naman sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M 60 machine gun at isang M 14 rifle.

Sa isa pang sagupaan noong Linggo, sinabi ni AFP-PIO Chief Lt. Col. Buenaventura Pascual na tatlong rebelde ang napatay at apat na armas naman ang nasamsam matapos na makasagupa ang grupo ng Seksyon ng Bravo Company ng Army’s 71st Infantry Battalion ang mga rebelde sa Barangay Cordero sa bayan ng Lupao, Nueva Ecija.

Nakilala naman ang isa sa mga rebeldeng nasawi na si Roman Estrella Frelo, alyas Jong-Jong ng Parañaque City, Metro Manila.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng tropa ng mga sundalo laban sa nakatakas pang mga rebelde. (Joy Cantos, Victor Martin at Christian Ryan Sta. Ana)

BARANGAY CORDERO

BARANGAY MADADAMIAN

BRAVO COMPANY

BUENAVENTURA PASCUAL

CARBONEL FUNERAL HOMES

CHIEF LT

CHIEF OF STAFF GEN

CHRISTIAN RYAN STA

INFANTRY BATTALION

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with