Trader nailigtas sa Pentagon KFR
September 16, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Makalipas ang santaon at pitong buwang pagkakabihag, nasagip ng mga operatiba ng pulisya at militar ang isang negosyante na dinukot ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) sa isinagawang rescue operation sa bulubunduking bahagi ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, kamakalawa.
Ang biktimang si Zuela Guillermo Karsi, 53, may-ari ng grocery store sa Barangay Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat ay dinukot ng grupong Pentagon KFR na pinamumunuan ni Mayangkang Saguile noong Pebrero 12, 2004.
Nabatid sa ulat na dakong alas-7:30 ng gabi nang magpang-abot ang mga operatiba ng pulisya ng Datu Odin, tropa ng Armys 6th Infantry Division (ID) laban sa grupo ni Saguile tangay ang biktima sa bahaging sakop ng Barangay Kurintem sa nabanggit na lugar.
Tumagal ng 30-minutong putukan ang sagupaan hanggang sa napilitang magsitakas ang mga kidnaper na sinamantala ang kadiliman ng gabi at inabandona ang kanilang bihag na mabilis at ligtas na nabawi ng mga awtoridad.
Nasa pangangalaga ng Police Regional Office (PRO) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang biktima para maisailalim sa medical check-up. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am