Jeep vs Motorsiklo: Mag-ama todas
September 15, 2005 | 12:00am
BULACAN Maagang kinalawit ni kamatayan ang mag-amang sakay ng motorsiklo matapos na salpukin ng pampasaherong jeep sa kahabaan ng Cagayan Valley Road na sakop ng Barangay Salangan sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng umaga. Halos malasog ang katawan ng mga biktimang sina Arnold, 37 at ama nitong si Telmo Leocarpio ng Barangay Sta. Lucia, Calumpit, Bulacan.
Nahaharap naman sa kasong isasampa sa korte ang drayber ng dyip (CWV-613) na si Alfredo Goliman, 48, ng Barangay Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. Sa ulat ng pulisya, nag-overtake ang motorsiklo ng mag-ama sa sinusundang sasakyan, subalit biglang bumulaga ang dyip na minamaneho ni Goliman kaya naganap ang sakuna. (Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest