Maliksi, inisnab ang imbitasyon ng DILG
August 25, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Hindi dumating kahapon ng umaga si suspended Cavite Governor Ireneo "Ayong" Maliksi sa itinakdang dialogo ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sana ayusin ang gusot sa pagitan ni Vice Governor Juanito Victor Remulla.
Pinangunahan nina Region 4 DILG Director Leonilo Lariosa, Region 4A Regional director P/Chief Supt. Jesus Versoza at Cavite provincial director P/Senior Supt. Benjardi Mantele ang dialogo na gaganapin sana sa function hall ng Camp Vicente Lim kahapon pero tanging si Remulla lamang ang dumating.
Layunin sanang ayusin ang tumitinding tensyon at sigalot sa Kapitolyo ng Trece Martires City matapos tumangging bumaba ng puwesto si Maliksi at kwestyunin ang suspension order na ini-isyu ng Office of the Ombudsman, kaugnay sa kasong graft na isinampa ni Remulla.
Pero sa halip na tumugon sa imbitasyon, pinadala na lamang ni Maliksi ang chief of police ng Trese Martirez na si P/Chief Inspector Eduardo Untallan para harapin sina Remulla, Versoza at Mantele.
"Nagpadala nalang ako ng aking representante para naman hindi nila sabihing hindi ko pinahalagahan ang imbitasyon nila," ani Maliksi.
"Mahirap na, baka masalisihan pa" dagdag pa ni Maliksi
Iginiit ni Maliksi na ang tanging makapagpapalabas sa kanya sa Kapitolyo ay ang pag-iisyu ng temporary restraining order (TRO) ng Court of Appeals para kontrahin ang implementasyon ng anim na buwang suspension ng Office of the Ombudsman.
Hindi naman masabi ni DILG Director Lariosa nang maliwanag kung ano ang espisipikong agenda na pag-uusapan sa dialogo sa pagitan ng dalawang panig.
Matatandaang naghain noong Lunes ang kampo ni Maliksi ng 43-pahinang petition sa appellate court para sa pag-iisyu ng temporary restraining order at writ of preliminary injunction kay Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez pati na si DILG Secretary Angelo Reyes.
Ani Maliksi, sinuspinde siya ni Fernandez noong August 15 nang hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makapag-file ng counter-affidavit, kaugnay sa isinampang administrative complaint ni Remulla laban sa kanya dahil sa maanomalyang pagbili ng P7.5-milyon ng bigas noong October 2004.
Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy pa rin ang paghihintay na magkabilang kampo kung mag-iisyu ng TRO ang Court of Appeals o ibabasura ang kahilingan ni Maliksi, na kasalukuyan pa ring nagkakampo sa loob ng Kapitolyo. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest