Nene todas sa salpok ng van
July 9, 2005 | 12:00am
QUEZON Isang 3-anyos na batang babae ang kumpirmadong nasawi makarang masalpok ng van habang tumatawid ang biktima sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Pury sa bayan ng San Antonio, Quezon kamakalawa ng hapon. Halos napisak ang katawan ng biktimang si May Capada, samantalang nakapiit naman ang suspek na drayber ng van (WNL-350) na si Jesus Nave, 40, ng Medex Subd. sa San Pablo City. Sa imbestigasyon ni PO3 Guevarra Allojado, biglang tumawid ang biktima kaya hindi kaagad nakapreno ang suspek hanggang sa tuluyang masalpok ang bata. (Ulat ni Tony Sandoval)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 14 hours ago
By Doris Franche-Borja | 14 hours ago
By Jorge Hallare | 14 hours ago
Recommended