Batangas shootout: 6 katao patay
July 9, 2005 | 12:00am
MALVAR, Batangas Anim-katao kabilang ang isang tauhan ng pulisya ang napaslang makaraang makipagbarilan ang grupo ng notoryus gang laban sa mga awtoridad sa bahagi ng Sitio Calambayasan, Barangay San Fernando sa bayan ng Malvar, Batangas kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa nasawing kasapi ng grupong Black Shark Gang ay sina Ricardo "Eric" Manalo, lider ng grupo; Albert Barlan; Hapon Delas Alas na kapwa residente ng San Juan, Batangas; Eric Manalo, utol ni Ricardo ng San Fernando, Malvar, Batangas; at Bernardo Nabor ng Asia 2, Canlubang, Laguna. Namatay din sa Mercado General Hospital si PO3 Alexander Angeles na kasapi ng Special Action Force (PNP-SAF) at nakatalaga sa Task Force Limbas.
Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Apolinar Felipe kay P/Chief Supt. Ricardo Quinto, director ng Traffic Management Group (TMG), ang grupo ni Manalo ay sangkot sa serye ng hijacking, kidnapping, robbery-holdup sa mga pampasaherong bus at dyipni na may rutang Quezon, Batangas, Laguna at Cavite. Sangkot din ang grupo sa pagnanakaw ng langis (paihi).
Ayon sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi nang puntahan ng mga operatiba ng PNP-TMG at Task Force Limbas ang safehouse ng grupo upang isilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Mario Lopez kay Ricardo na may kasong murder at frustrated murder.
Imbes na sumuko ang nasabing grupo ay nakipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya at ang unang bugso ng putok ay tumama kay PO3 Angeles na ikinasawi nito.
Umabot ng 30-minuto ang naganap na barilan hanggang sa duguang bumulagta ang limang kasapi at narekober ang apat na malalakas na kalibre ng baril, isang Toyota Revo na may plakang UEC 265 at ibat ibang uri ng bala ng baril.
Narekober din ang 30 dram na naka-stock sa warehouse na pinaniniwalaang ninakaw. (Ulat nina Ed Amoroso, Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest