^

Probinsiya

9 NPA rebels sumuko

-
Fort Magsaysay, Palayan City – Umani ng tagumpay ang pinalakas na anti-insurgency campaign ng pamahalaan makaraang sumuko sa mga opisyal ng militar ang siyam na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Aurora, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni Major Gen. Romeo Tolentino, Chief ng Army’s 7th Infantry Division (ID) ang mga nagsisukong rebelde na sina Jerry Doctolero alyas Ka Timber, 18; Rolando de la Cerna alyas Ka Ian; Rommel Abendano, 34; pawang ng San Luis, Aurora.

Ang iba pang mga sumuko ay sina Joel Abendano, 40; Marvin Bitong alyas Ka Betty; Jose Valdez alyas Ka Pepe, 49; Jhun Gonzaga, Warlie Ungreano alyas Ka Rio, 17 at Jake Ungreano alyas Ka Cristy, 23 anyos.

Nabatid na nagpasyang sumuko ang mga ito sa tropa ng Army’s 48th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Joselito Kakilala dahilan mababa na ang kanilang moral sa hindi magandang pamamalakad sa kilusan.

Kasalukuyan ng sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng militar ang mga nagsisukong rebelde. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

CHRISTIAN RYAN STA

FORT MAGSAYSAY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JAKE UNGREANO

JERRY DOCTOLERO

JHUN GONZAGA

JOEL ABENDANO

JOSE VALDEZ

JOSELITO KAKILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with