^

Probinsiya

Mag-asawang trader niratrat

-
Camp Crame – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang mga suspek ang mag-asawang negosyante sa Brgy. Bukal, Calamba, Laguna kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Crisostomo at Rowena Barones na kapwa walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng mga armadong lalaki habang ang mag-asawa ay lulan ng motorsiklo at binabagtas ang national highway sa Brgy. Lawa ng nasabing bayan.

Dead-on-the-spot ang mga biktima matapos matadtad ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Sa inisyal na resulta ng imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito, sinasabing ang sigalot sa lupang kinatitirikan ng videoke bar ng mag-asawa ang pinaniniwalaang ugat ng krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso. (Ulat ni Angie de la Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BRGY

BUKAL

CALAMBA

CAMP CRAME

CRISOSTOMO

CRUZ

LAWA

ROWENA BARONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with