^

Probinsiya

Chief security tinodas na Navy

-
Binaril at napatay ang chief security officer ng SuperFerry ng isang kawal ng Philippine Navy makaraang hindi papasukin ang asawa ng huli dahil sa kawalan ng ticket sa Davao City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Joel Facura, chief security officer ng SuperFerry na namatay sa Davao Medical Center sanhi ng isang tama ng bala sa tiyan.

Sa ulat ni Lt. Armand Balilio, hepe ng Public Information Office ng PCG, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi noong Sabado sa loob ng SuperFerry 16 na nakadaong sa Sasa Wharf na may rutang General Santos City.

Napag-alaman na itinalagang sea marshall sa nasabing barko ng suspek na si SN1 Julius Villanueva, ng PHILFLEET PN.

Dahil sa pagsunod ng biktima sa ‘no ticket no boarding policy’ ng SuperFerry ay hindi nito pinayagan ang asawa ng suspek na makapasok sa barko kaya nauwi sa mainitang pagtatalo at pinaputukan ang biktima.

Agad namang dinisarmahan ni PO3 Reynaldo Nerado, isa ring PCG sea marshall at mga rumespondeng PNP Maritime Group, ang suspek at saka dinala sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

ARMAND BALILIO

DAVAO CITY

DAVAO MEDICAL CENTER

GEMMA AMARGO-GARCIA

GENERAL SANTOS CITY

JOEL FACURA

JULIUS VILLANUEVA

MARITIME GROUP

PHILIPPINE NAVY

PUBLIC INFORMATION OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with