13 nalason sa beef steak
May 13, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Isa na namang insidente ng food poisoning ang naganap makaraang malason ang labintatlong kabataan mula sa kinaing beef steak sa dinaluhang summer camp sa Davao City kamakalawa.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkikilanlan ng mga biktimang nasa edad na walo hanggang 12-anyos na pawang miyembro ng Alliance Church.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagtungo ang mga biktima sa resort na sakop ng Palacan, Davao City para sa taunang summer camp.
Nagsalu-salong kumain ng kanilang baon na beef steak ang mga biktima at makalipas lamang ang ilang sandali ay magkakasunod na nakaramdam ng pananakit ng tiyan at nasundan ng pagsusuka.
Pinagtulungan isinugod sa Davao City Medical Center ang mga biktima kung saan naagapan naman ang kanilang kondisyon.
Masusi namang sinusuri ng mga awtoridad ang beef steak na pinagsaluhan ng mga biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest