^

Probinsiya

Magtiya minasaker

-
Cuenca, Batangas – Pinaslang sa saksak ang dalawang babaeng magtiyahin ng ’di pa nakilalang mga suspek matapos ang mga itong matagpuang duguan sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Chief Inspector Dionisio Faltado, hepe ng Cuenca PNP ang mga biktimang sina Angelita Larosa, 32 at ang tiya nitong si Marcelina Mendez, 68 anyos; pawang residente ng Brgy. Dita at may-ari ng isang sari-sari store.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-6 ng umaga ng madiskubre ang krimen kung saan ay kapwa dead-on-the spot ang dalawang biktima matapos na magtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Kaugnay nito, isang tinukoy sa pangalang Reynaldo Marasigan ang agad inimbitahan ng pulisya na umano’y posibleng may kinalaman sa krimen.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa naganap na krimen. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ANGELITA LAROSA

ARNELL OZAETA

AYON

BATANGAS

BRGY

CHIEF INSPECTOR DIONISIO FALTADO

CUENCA

INIIMBESTIGAHAN

MARCELINA MENDEZ

REYNALDO MARASIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with