Van hinoldap: 5 pasahero tinodas
April 9, 2005 | 12:00am
CAMP ADDURU, Tuguegarao City Limang sibilyan ang kumpirmadong nasawi habang limang iba pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki na nangholdap sa mga biktimang lulan ng pampasaherong van noong Martes sa kahabaan ng Sitio Turayog, Barangay Buluan sa panulukan ng Apayao.
Sa ulat ni P/Supt. James Melad, provincial director ng Cagayan kay P/Chief Supt. Jefferson Soriano, police regional director, nakilala ang mga biktimang nasawi na sina Victorino Calaje; Liza Bacuyag; Aset Balinsat; Fred Bacuyag at isa pang lalaki na tinatayang nasa edad 30-anyos.
Ginagamot naman sa St. Paul Hospital sina Linda Aguio; Michael Aglob,10; ang mag-asawang Arthur Pamittan at Vergie Pamittan ng Tuao, Cagayan at Robert Abella, driver at nagmamay-ari sa van na may plakang WNY 649.
Sa naantalang ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga noong Martes (5 Abril) nang biglang mag-deklara ng holdap ang dalawa sa pasahero ng KIA van.
Matapos makuha ang mga pera, alahas, cell phone at iba pang kagamitan ay agad na pinagbabaril ang mga biktimang pasahero at mabilis na tumakas sa di malamang direksyon.
Sa salaysay ni Abella, nakuha pa niyang magtungo sa himpilan ng pulisya kahit na may tama ng bala ng baril kung saan ang dalawang holdaper ay kanyang naisakay sa bahagi ng Barangay Mayomoy sa panulukan ng Apayao.
Ayon kay P/C Insp. Antonio Hernandez Ayuyang, hepe ng Tuao Police Station, duguan lahat ang mga pasahero ng van, kabilang na ang driver na malubhang nasugatan nang dumating sa nasabing himpilan ng pulisya.
Nagsagawa na ng follow-up operation ang mga kagawad ng pulisya laban sa dalawang holdaper. (Ulat ni Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest