^

Probinsiya

Brodkaster tinusok sa batok, grabe

-
ANTIPOLO CITY – Agaw-buhay ang isang brodkaster makaraang saksakin ito ng screwdriver sa batok ng isang vendor na Muslim sa tapat ng istasyon ng pulisya sa Brgy. Sta. Cruz ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City ay nakilalang si Jess Aborondo, 58, radio commentator ng dwDD at residente ng Brgy. Dela Paz ng nasabing lungsod.

Ayon kay Rizal Provincial Director Sr. Supt. Leocadio Santiago Jr., naganap ang insidente dakong alas-7:15 ng gabi sa tapat ng panaderya sa Cogeo Gate 2 Brgy. Sta. Cruz, sa harapan ng sub-station 3 ng Antipolo police.

Nabatid na kasalukuyang nakikipag-usap ang biktima sa ilang tindero sa nasabing lugar nang bigla na lang lapitan ito ng suspek na armado ng mahabang screwdriver at tinarakan ito sa batok.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek habang iniwang nakabaon ang screwdriver sa batok ng biktima.

Mabilis na isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina, subalit dahil sa delikadong kalagayan ay napilitang ilipat sa St. Luke’s sa Quezon City.

Ayon naman sa anak ng biktima na si Jason, sinabi sa kanya ng doktor na kung sakaling mabuhay ang kanyang ama ay malaki ang posibilidad na maparalitiko ito dahil ang tama nito ay malapit sa spinal cord.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya para sa agarang pagkadakip sa suspek. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

AYON

BRGY

COGEO GATE

CRUZ

DELA PAZ

EDWIN BALASA

JESS ABORONDO

QUEZON CITY

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with