3 Abu Sayyaf Group terrorist timbog
December 26, 2004 | 12:00am
Camp Aguinaldo Tatlong pinaghihinalaang teroristang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nadakip ng mga elemento ng militar kasabay ng pagkakasamsam sa bultu-bulto ng armas at bala sa serye ng raid sa Sitangkai, Tawi-Tawi kamakalawa.
Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Halimao Hadjiula, 42- anyos; Duran Amsajid, 61; pawang ng Jolo, Sulu at Said Abdulrhiman, 47-taong gulang.
Ayon kay Phil. Marine Spokesman Major Rommel Abrau, dakong alas-10:30 ng umaga ng magkakasunod na salakayin ng mga elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11 at Special Weapons Group (SWAG) ng Phil. Navy ang hideout ng mga teroristang bandido sa Siantok Panamao, Siantok Talipao at Brgy. Tonghiat; pawang sa Sitangkai ng nabanggit na lalawigan.
Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos mapalibutan ng puwersa ng mga sundalo.
Nabatid na isang tipster ang nagturo sa militar sa pinagtataguan ng mga bandido sa nasabing lugar.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang apat na M-16 rifles, isang M14 rifle, dalawang cal. 45 pistol, isang cal. 38 revolver; 160 rounds ng bala ng cal 30, 197 bala ng M-14 rifle, camouflage uniform, radios, at iba pa.
Ayon kay Abrau ang pagkakabitag sa mga bandido matapos ang masusing surveillance operations na isinagawa ng kanilang mga tauhan sa nasabing mga lugar.
Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga nasakoteng bandido habang ang mga armas ay isinailalim sa kustodya ng militar. (Ulat ni Angie de la Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest