Bata tinodas, inilagay sa washing machine
December 12, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Maagang kinalawit ni kamatayan ang dalawang-taong gulang na batang babae makaraang dukutin at patayin at inilagay pa sa washing machine ng mga dating kapitbahay ng biktima sa Calamba City, Laguna kamakalawa.
May palatandaang pinahirapan muna bago pinatay ang biktimang si Triciary Custodio ng Villa de Calamba Subdivision ng nabanggit na lungsod. Napag-alamang namamasukan sa ibang bansa ang magulang ng biktima bilang Overseas Filipino Worker (OFW).
Kasalukuyan namang nakapiit ang isa sa suspek na si Rudy Villamor, 34, ng General Trias City, Cavite habang tinutugis pa ang nalalabing suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan.
Sa ulat ni SPO4 Filipina Manaig, hepe ng Women and Childrens Desk, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong ala-1:30 ng hapon sa loob ng washing machine at binusalan ng kumot.
Bago maganap ang pamamaslang, dinukot muna ang biktima sa sariling bahay dakong alas-11 ng umaga noong Huwebes.
Wala namang nagawa ang katulong ng pamilya Custodio na si Maria Catleya Cartujano dahil tinutukan ng baril ng mga suspek saka animoy baboy na itinali.
Humingi ng P45,000 ang mga suspek bilang ransom sa kaanak ng biktima, subalit nahihiwagaan ang pulisya sa pangyayari kung papaano naibalik ang bata sa sariling bahay at natagpuan sa loob ng washing machine. Sa pagsusuri, lumilitaw na may 12-oras nang patay ang bata at inaalam pa kung may palatandaang hinalay bago paslangin. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended