1 patay, 1 sugatan sa vehicular accident
October 17, 2004 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Basag ang bungo ng isang 54 anyos na driver na walang helmet matapos na sumalpok sa kasalubong na L-300 Mitsubishi van habang kritikal naman ang kasama nito sa naganap na sakuna sa Diversion Road ng Brgy. Magang sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Ruben Tadios, 54, residente ng Purok 5, Brgy. Lag-on at kasalukuyan namang inoobserbahan sa Camarines Norte Provincial Hospital ang sugatang biktima na nakilalang si Silverio Fernandez, 55, residente ng Brgy. Laniton sa bayan ng Basud.
Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng L 300 van na may plakang UBD 650 na kinilalang si Erwin Jamito, 29, residente ng Brgy. Pamorangon ng nasabing bayan.
Nabatid na bandang alas-3:30 ng hapon habang bumabagtas sa nasabing lugar ang motorsiklong kinalululanan ng mga biktima ng aksidente itong salpukin ng kasalubong na humahagibis na behikulo.
Sa lakas ng pagkakabangga ay kumalat sa kalsada ang utak ng driver ng motorsiklo na agad binawian ng buhay. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest