ARMM compound pinasabog, trader grabe
October 3, 2004 | 12:00am
COTABATO CITY Niyanig ng malakas na pagsabog ang 32 hektaryang compound ng tanggapan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) matapos hagisan ng granada ng di nakilalang mga suspek na ikinasugat ng isang negosyante sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasugatang biktima na si Badawi Samaon na mabilis na isinugod sa pagamutan matapos na magtamo ng mga tama ng shrapnel sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat, ang pagsabog sa compound ng ARMM ay naganap di kalayuan sa lugar kung saan isinasagawa ang diyalogo ng mga Latin American diplomats at ng mga opisyal ng nasabing tanggapan.
Nabatid na ang biktima ay lulan ng kanyang behikulo nang tamaan ng sumabog na bomba.
Kaugnay nito, naghigpit ng seguridad ang pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya upang mahadlangan ang posible pang pananabotahe sa lungsod. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest