Barangay chairman nilikida
September 15, 2004 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na barangay chairman ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay palabas ng kanilang bahay sa Barangay Bagoladio Bula, Camarines Sur kahapon ng umaga. Isinugod pa sa ospital, ngunit idineklarang patay ang biktimang si Diosdado Regala- Estrellas ng nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng umaga nang magising ang biktima dahil sa tawag sa mula sa labas ng sariling bahay. Paglabas nito ay sinalubong agad siya ng sunud-sunod na saksak na ikinasawi nito. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
July 2, 2025 - 8:00pm
July 1, 2025 - 5:30pm
July 1, 2025 - 11:00am
July 1, 2025 - 11:00am