^

Probinsiya

Babae pinasok, kinatay sa boutique shop

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 37-anyos na babae sa loob ng isang boutique shop sa Purok Dahlia, Brgy. Acmac, Iligan City, Lanao del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Iligan City Police ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng mga kasamahan nito sa trabaho nitong Hulyo 1 ng umaga.

Ang biktima na itinago sa pangalang Betty, residente ng Purok Anthurium, Brgy. Acmac ng lungsod na ito ay nakitang naliligo sa dugo at nakadapa sa sementong sahig ng nasabing boutique shop nang matagpuan.

Agad na inireport ang insidente sa pulisya na mabilis na nagresponde sa lugar at iprinoseso ang crime scene.

Nabatid na ang biktima ay naiwang mag-isa noong Lunes ng gabi sa nasabing boutique shop at posibleng dito na umano natulog nang mangyari ang krimen.

Samantala, nakita ng mga pulis na magulong-magulo rin ang buong boutique shop nang abutan ng mga awtoridad.

LANAO DEL NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with