^

Probinsiya

Trader itinumba habang papauwi

-
CABANATUAN CITY – Isang 36-anyos na nagosyante ang iniulat na nasawi makaraang barilin ng nakaalitan ng kapatid nito habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay Valle Cruz ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa kaliwang panga na tumagos sa leeg ang ikinamatay ni Celerino dela Cruz, samantalang tinutugis naman ang suspek na si Philip Legaspi, 26, may asawa, traysikel drayber at dalawang kasama nitong sina: Edwin Sanguyo at Ed Santos.

Bandang alas-8:15 ng gabi nang paslangin ang biktima matapos na makipag-inuman ang suspek sa mga kaibigan at makagalit ang utol ni Celerino na si Marcelino dela Cruz. Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng Nissan Maxima (DGK-766) at narekober naman sa Barangay Aduas Norte. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY ADUAS NORTE

BARANGAY VALLE CRUZ

CELERINO

CHRISTIAN RYAN STA

CRUZ

ED SANTOS

EDWIN SANGUYO

NISSAN MAXIMA

PHILIP LEGASPI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with