2 kidnaper timbog 2 biktima nailigtas
August 17, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Nailigtas ng mga awtoridad ang dinukot na mag-live-in partner samantalang nadakip naman ang dalawang miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) gang sa isinagawang operasyon sa Meycauayan, Bulacan, kahapon ng madaling-araw.
Ang mga nadakip na biktima ay sina George Galumo at Maricel Pascual Galuco; nagnenegosyo ng alahas ng St. Martin Subdivision, Brgy. Ibayo, Marilao, Bulacan.
Nakilala naman ang mga nasakoteng suspek na sina Delfin Santos Jr., 49, ng Barangay Poblacion II Marilao, Bulacan at isang Antonio Ong, 52, ng Meralco Village, Quezon City.
Batay sa ulat, ang mga suspek ay nadakip sa kanilang safehouse sa Meycauayan, Bulacan bandang alas-2 ng madaling-araw.
Lumilitaw sa imbestigasyon na ang dalawang biktima ay dinukot ng mga suspek kamakalawa pasado alas-11 ng gabi matapos ang mga itong abangan pauwi sakay ng traysikel.
Nabatid na matapos dalhin sa kanilang safehouse ay pinalaya ang lalaking biktima para kumuha ng P40,000 ransom.
Agad namang nakipagkoordinasyon sa pulisya si George at isinagawa ang entrapment operations na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang kidnaper habang nailigtas ang isa pang biktima.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang P10,000 marked money, isang caliber .45 pistol, isang 9 MM pistol.
Kasalukuyan nang nakapiit sa detention cell ng Marilao Municipal Jail ang mga suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga ito.(Ulat nina Joy Cantos at Efren

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Jorge Hallare | 22 hours ago
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am
November 16, 2024 - 12:00am
November 15, 2024 - 12:00am