^

Probinsiya

15-anyos na estudyante ni-rape/slay ng addict

-
Camp Crame – Masaklap ang sinapit na kapalaran ng isang 15-anyos na estudyanteng babae matapos na halayin ng di pa nakilalang lalaki na hinihinalang bangag sa droga sa Butuan City kamakalawa ng gabi.

Nasa ‘state of shock’ ngayon ang biktimang itinago sa pangalang Annie.

Pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si Luisito Boboy alyas Loloy, umano’y isang kilalang drug addict sa kanilang lugar.

Batay sa ulat, pasado alas- 6 ng gabi habang ang biktima ay naglalakad pauwi na sa kanilang tahanan nang harangin ng suspek sa Purok Masigla, Brgy. Matin-ao, Mainit, Surigao del Norte.

Kinaladkad umano ng suspek ang biktima patungo sa kahuyan at doon ginahasa.

Natagpuan naman ng ilang mga residenteng napagawi sa lugar ang nakatulalang biktima na nagpunit-punit ang damit na siyang naghatid sa dalagita sa kanilang tahanan. Ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BATAY

BRGY

BUTUAN CITY

CAMP CRAME

JOY CANTOS

KINALADKAD

LOLOY

LUISITO BOBOY

MAINIT

PUROK MASIGLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with