^

Probinsiya

Misis kinatay ng sariling mister

-
CAMP SIMEON OLA – Pinaniniwalaang nawala sa sariling pag-iisip ang isang mister kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang sariling asawa bago nag-suicide ang una kamakalawa ng gabi sa Barangay Umabay Exterior, Mobo, Masbate. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Emy Siclot, samantalang ang suspek na natagpuang nakabitin sa likurang bahagi ng kanilang bahay ay nakilala namang si Danilo Siclot, 44, magsasaka. Sa ulat ng pulisya, magkasabay na naghahapunan ang mag-asawa nang biglang kumuha ng itak ang lalaki at pinagtataga ang kaharap na biktima. Base sa impormasyon nakalap ng pulisya, ang suspek ay naghahamon ng away kapag sinusumpong ng topak sa ulo at posibleng nawala sa sarili kaya nagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY UMABAY EXTERIOR

DANILO SICLOT

ED CASULLA

EMY SICLOT

KINILALA

MASBATE

MOBO

PINANINIWALAANG

PULISYA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with