^

Probinsiya

Mag-utol niratrat, 1 dedo

-
Camp Pantaleon Garcia, Cavite – Isa ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kalagayan makaraang pagbabarilin ang magkapatid ng di pa nakilalang mga salarin sa Brgy. Molino 6, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Rannel Corpuz, 26-anyos, may-asawa at residente ng Rogud St., Brgy. Molino 6 ng bayang ito habang patuloy namang ginagamot sa Molino Hospital ang nakatatanda nitong kapatid na si Noel Corpuz, 32, may-asawa ng nabanggit ding lugar.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Dominador Logon, may hawak ng kaso, bandang alas 7 ng gabi ng maganap ang insidente habang ang magkapatid ay naglalakad sa nasabing lugar nang tambangan ng mga armadong salarin.

Matapos ang pamamaslang ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 30 carbine rifle. Sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na motibo ang krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BRGY

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CRISTINA G

DOMINADOR LOGON

MOLINO

MOLINO HOSPITAL

NOEL CORPUZ

RANNEL CORPUZ

ROGUD ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with