Chief accountant niratrat
August 3, 2004 | 12:00am
NUEVA VIZCAYA Kasalukuyang nakikipaglaban kay Kamatayan ang isang 59-anyos na municipal chief accountant ng bayang ito makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaking nakamotorsiklo kahapon sa Barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Nilalapatan ng lunas sa Veterans Regional Hospital ang biktimang si Ricardo Piedad matapos na tamaan ng dalawang bala ng baril sa katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Anselmo Dulin, ang biktima ay papasok ng sariling bahay sa Governor Patricio Dumlao Blvd., sa nabanggit na barangay nang upakan ng isa sa nakamotorsiklo.
Agad na tinamaan ang biktima sa kanang kili-kili at tiyan saka bumulagta.
Narekober ng pulisya ang tatlong basyo ng Caliber .45 baril na ginamit sa krimen.
Ayon sa paglalarawan ng mga nakasaksi sa insidente, mga mukhang tinedyer ang umupak kay Piedad.
Tumanggi namang magbigay ng detalye ang pulisya tungkol sa naganap na pananambang. (Ulat ni Charlie Lagasca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest