Kuta ng mga rebelde nakubkob
July 1, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Matagumpay na nakubkob ng tropa ng militar ang isang malaking kampo na pinagkukutaan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa liblib na bahagi ng Barangay Dimacay Dos, Isabela noong Martes ng hapon.
Kasabay nito, nasupil ang banta ng terorismo na umanoy planong ihasik ng mga rebelde ang lalawigan.
Sa ulat ni 5th Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Reynaldo Alcasid, ang nasabing kampo ay nadiskubre sa Sitio Sibsib, Brgy. Dimacay Dos, Jones ng bayang nabanggit bandang ala-1:30 ng hapon.
Nabatid na kasalukuyang sinusugod ng mga elemento ng 45th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni 1st Lt. Michael Victoria nang matagpuan ang nasabing kampo.
Gayunman, bago pa man makalapit ang mga sundalo ay mabilis nang nakalayo sa lugar ang mga rebelde na naghiwa-hiwalay ng direksiyon sa pagtakas.
Ang nasabing kampo ay binubuo ng maraming detachable tents na pag-aari ng Southern Front ng Cagayan Valley Regional Command (CVRC) ng CPP-NPA.
Base sa impormasyong nakalap mula sa mga magtro-troso sa lugar, ang nasabing kampo ay ino-okupa ng may 100 komunistang rebelde.
Nagpapatuloy naman ang pinalakas na counter-insurgency operations ng pamahalaan laban sa grupo ng mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest