^

Probinsiya

Pagkamatay ng Abu leader iniimbestigahan

-
Camp Aguinaldo – Patuloy na isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napaulat na pagkamatay ni Abu Sayyaf Group (ASG) leader Commander Isnilon Hapilon sa isang engkuwentro sa lalawigan ng Sultan Kudarat noong unang bahagi ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, magpahanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung nasawi nga sa sagupaan si Hapilon matapos na masabat ng Army’s 6th Infantry Division (ID) ang grupo nito noong Hunyo 1 sa kagubatan ng Palimbang, Sultan Kudarat.

"Bagaman may mga ulat na patay na si Hapilon ay hindi pa natin ito puwedeng kumpirmahin hangga’t di nakikita ang kanyang bangkay at walang testigo," ani Lucero.

Base sa report, ang bangkay ni Hapilon ay inilibing na umano sa isang magubat at bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Sultan Kudarat.

Si Hapilon, isa sa mga top wanted na ASG leader ay sangkot sa serye ng kasong kidnap-for-ransom (KFR) ay may patong sa ulong P5 milyon na inilaan ng pamahalaan at karagdagang $1 milyon mula naman sa Estados Unidos.

Magugunita na nagsasagawa ng operasyon ang tropa ng militar sa Sitio Makabinbang, Brgy. Molon Maitum sa bayan ng Sultan Kudarat ng makasagupa ang grupo ni Hapilon na ikinasawi ng dalawa sa mga kalaban at ikinasugat ng lima pa nitong tauhan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMP AGUINALDO

CHIEF LT

COMMANDER ISNILON HAPILON

DANIEL LUCERO

ESTADOS UNIDOS

HAPILON

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with