^

Probinsiya

Kolektor ng 2 supermarket tinodas

-
BALANGA CITY, Bataan – Agad na kinalawit ni kamatayan ang isang 60-anyos na kolektor ng dalawang supermarket makaraang barilin ng mga hindi kilalang lalaki ang biktimang lulan ng sariling dyip sa kahabaan ng Roman Highway na sakop ng Barangay Palihan, Hermosa, Bataan kahapon ng madaling-araw.

Ang biktimang binaril sa ulo at duguang nakayuko sa unahang bahagi ng owner-type jeep na may plakang VCT-540 ay nakilalang si Aurelio Tullao, may asawa at residente ng Barangay Capunitan, Orion, Bataan.

Si Tullao ay kasalukuyang kolektor ng Elizabeth Supermarket sa Balanga City, Fred Mart sa bayan naman ng Orion, Bataan at ilang grocery sa Dinalupihan, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa inisyal na imbestigasyon na isinumite kay Police Chief Inspector Bruno Viola, hepe ng pulisya sa bayan ng Hermosa, Bataan, si Tullao ay natagpuang nakayuko sa manibela ng kanyang sasakyan na nakaparada sa gilid ng nabanggit na highway, may 50 metro ang layo sa Layac, Dinalupihan.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktima at narekober ang gintong relos, receipt booklets at pitaka na naglalaman ng P991.

Subalit nawawala ang clutch bag ng biktima na naglalaman ng hindi nabatid na malaking halaga mula sa koleksyon sa mga grocery at soda dealer sa bisinidad ng Dinalupihan.

May teorya naman ang pulisya na hinoldap ang biktima ng mga hindi kilalang lalaki at inupakan nang pumalag ito.

Sinisilip din ng mga awtoridad kung kakilala ng biktima ang mga holdaper kaya isinagawa ang pamamaslang para hindi pumiyok. (Ulat ni Jonie Capalaran)

vuukle comment

AURELIO TULLAO

BALANGA CITY

BARANGAY CAPUNITAN

BARANGAY PALIHAN

DINALUPIHAN

ELIZABETH SUPERMARKET

FRED MART

HERMOSA

JONIE CAPALARAN

POLICE CHIEF INSPECTOR BRUNO VIOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with