^

Probinsiya

Pulis nadakip sa panghoholdap

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang traysikel drayber ang kumpirmadong napatay makaraang mabaril ng isang kagawad ng pulisya na nangholdap sa trader sa Brgy. Bibingcahan sa Sorsogon City kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa mukha ng bala ng kalibre .45 baril ang nasawing biktima na si Conrado Sitay ng Sto. Niño Compound ng nabanggit na barangay.

Samantala, nabawi naman ng mga rumespondeng barangay tanod ang hinoldap kay Ruben Haboc, 58, may asawa, lotto seller at residente ng naturang lugar.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek na si PO3 Joy Noel Mallorca, may asawa at nakatalaga sa RHSG PRO5 na nakabase sa Kampo Simeon Ola sa Legazpi City.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, sakay ng traysikel sina Mallorca at Haboc na minamaneho naman ng biktima.

Pagsapit sa harapan ng auto repair shop ay hinablot ng suspek ang bag ni Haboc kaya naman nagkagulo sa loob ng traysikel.

Agad namang nagbunot ng baril ang suspek para barilin si Haboc, subalit nagkaroon ng pambubuno ang dalawa hanggang sa umalingawngaw ang malakas na putok na tumama naman sa nasawing biktima.

Nang marinig ng mga barangay tanod ang putok ng baril ay mabilis namang rumesponde kaya nasakote ang suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BIBINGCAHAN

BRGY

CONRADO SITAY

ED CASULLA

HABOC

JOY NOEL MALLORCA

KAMPO SIMEON OLA

LEGAZPI CITY

RUBEN HABOC

SORSOGON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with