^

Probinsiya

Mga kandidato hinoholdap ng NPAs

-
CAMP AGUINALDO – Hindi lamang extortion kundi, maging panghoholdap ay trabaho na rin ngayon ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na biktimahin ang isang mayoral bet at mga kasamahan nito sa partido na nilimas ang salapi at mga cellphone ng mga biktima sa Tapaz, Capiz, ayon sa ulat kahapon.

Sinabi ni Mayor Louwen Marquez, spokesman ng Army’s 47th Infantry Battalion (IB) ang insidente ay naganap bandang alas-6:30 ng hapon habang nagsasagawa nang pagpupulong ang biktimang si Tapaz mayoralty candidate Onyo Gloria sa Brgy. Aglinap sa kanilang bayan.

Bigla na lamang sumulpot ang mga armadong rebelde na pinamumunuan ng mga kinilala sa alyas na Ka Tonying, Ka Marlon at Ka Mayok ng Eastern Central Front Committee na pawang armado nang paligiran ang lugar kung saan nagpupulong ang nasabing grupo ng mga kandidato.

Walang nagawa ang mga biktima nang tutukan ng baril at limasin ang kanilang mga salaping dala na umaabot sa P10,000 cash at anim na cellphones.

Aminado naman ang opisyal na hindi sapat ang puwersa ng militar sa nasabing lalawigan upang mabantayang mabuti ang galaw ng mga rebeldeng komunista.

Magugunita na nitong nakalipas na Abril 14 ay nasangkot na rin sa kahalintulad na insidente ang mga rebeldeng NPA matapos namang harangin ang grupo ni mayoral bet Honorio Diaz at ng kasama nitong kandidatong Kongresista habang patungo ang grupo sa isa namang pagpupulong sa Brgy. Bongbongan, sa bayan ng Maayon ng nasabing lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BRGY

EASTERN CENTRAL FRONT COMMITTEE

HONORIO DIAZ

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA MARLON

KA MAYOK

KA TONYING

MAYOR LOUWEN MARQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with