Kandidatong konsehal niratrat habang kumakain
March 28, 2004 | 12:00am
TALISAY, Batangas Isang 50 anyos na lalaki na tumatakbong konsehal sa bayang ito ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang lalaki na nakasakay ng motorsiklo habang kumakain ng lugaw kahapon ng umaga.
Kinilala ni Senior Inspector Jonathan, hepe ng pulisya ng bayang ito ang biktima na si Venancio Centeno Jr., residente ng Barangay Quiling ng nasabing bayan.
Si Centeno na kapartido ni incumbent Talisay Mayor Florencio Manimtim ng Liberal Party ay nagtamo ng apat na tama ng bala ng kalibre 45 pistola sa likod at namatay habang dinadala sa St. Andrew Hospital.
Batay sa ulat, katatapos lang umanong kumain ng lugaw ang biktima at iinom ng tubig nang lumapit ang isang suspek mula sa likuran at agad na pinagbabaril ang biktima.
Sinabi ng ilang saksi na ang lalaking bumaril ay mabilis na lumabas at sumakay sa motorsiklo na kulay pula ng kanyang kasamahan na naghihintay sa labas patungong Tanauan City.
Sinabi ni Mayor Manimtim na may bahid na politika ang pagkamatay ng biktima dahil sa bago mangyari ang pagpatay ay tinatawagan umano si Centeno ng kanyang mga kalaban na umatras na lang.
Subalit hindi umano nakinig si Centeno at nagsabi pa na lalaban ito hanggang kamatayan.
Nakuha ng mga awtoridad ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 sa lugar ng pinangyarihan. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended