^

Probinsiya

3 todas sa araro ng trak

-
TAYABAS, Quezon – Tatlo-katao ang kumpirmadong namatay samantalang dalawa naman ang nasa kritkal na kondisyon makaraang araruhin ng trak ang bahay ng mga biktima sa gilid ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Calumpang sa bayang ito kamakalawa ng hapon. Kabilang sa nasawi ay nakilalang sina Norma Nuñez, 48, anak nitong si Oliver, 4 at pamangking si Maryjoy na isang taong gulang. Ginagamot naman sa Lucena United Doctors Hospital sa Lucena City ang mag-amang sina Oscar, 49 at Norman Nuñez, 18. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, naitala ang sakuna dakong alas-2:30 ng hapon matapos na pumutok ang gulong ng trak (UGX-879) na minamaneho ni Jonel de Chavez ng Candelaria, Quezon. Nawalan nang kontrol ang drayber ng trak kaya nagtuluy-tuloy sa bahay ng pamilya Nuñez na kasalukuyang gumagawa ng furniture. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY CALUMPANG

CANDELARIA

CHAVEZ

LUCENA CITY

LUCENA UNITED DOCTORS HOSPITAL

MAHARLIKA HIGHWAY

NORMA NU

NORMAN NU

QUEZON

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with