Mag-utol dedo sa naputol na tulay
March 23, 2004 | 12:00am
IMUS, Cavite Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi samantalang labing-walo naman ang nasugatan makaraang maputol ang makitid na tulay na nilalakaran ng mga biktima sa Barangay Bacao 1, General Trias, Cavite kamakalawa. Kabilang sa namatay ay ang magkapatid na sina Norberto Manesca Sr., 67, at Ponciano Manesca, 56, na kapwa residente ng Brgy. Bacao 2 ng naturang bayan.
Ginagamot naman sa Tanza Family Hospital at St. Martin Hospital ang mga nasugatang biktima na nagtamo ng galos sa ibat ibang bahagi ng katawan. Sa imbestigasyon ni PO1 Mannix Barrientos, naitala ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon matapos na magkakasunod na tumawid ang mga biktima mula sa panonood ng larong softball. May teorya ang pulisya na bumagsak ang tulay dahil sa hindi na nakayanan ang bigat. (Ulat ni Cristina G.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest