2 Sayyaf dedo sa engkuwentro
February 2, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dalawang tauhan ni Abu Sayyaf Group (ASG) Ghalib Andang, alyas Commander Robot ang napaslang makaraang makasagupa ng tropa ng militar ang grupo ng mga bandido sa Jolo, Sulu kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni AFP-Southcom Chief Lt. Gen. Roy Kyamko, kinilala ang mga nasawi na sina Javier Soriano, alyas Jojo Rasul at Usman Asari; parang tapat na tagasunod ni Commander Robot.
Nabatid na dakong alas-8:40 ng gabi noong Sabado nang makasagupa ng mga elemento ng Armys 104th Brigade sa ilalim ng Joint Task Force Comet ang mga bandido sa Scott Road, Jolo, Sulu.
Narekober sa pinangyarihan ng encounter ang M79 grenade launcher at M16 rifle.
Nabatid na si Soriano, alyas Jojo Rasultis ay isa sa mga tauhan ni Commander Robot sa kainitan na rin ng Sipadan hostage crisis taong 2000.
Samantalang si Asari naman ay kamag-anak ni ASG leader Anga Adja, alyas Adji, notoryus na bandido at isa sa mga orihinal na Sipadan hostage takers. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest