4 pang kidnappers ng Tsinoy trader,timbog
January 24, 2004 | 12:00am
Camp Alejo Santos, Bulacan Apat pang kidnappers ng pinaslang na Filipino-Chinese plastic magnate na si Evan Tan ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang follow-up operations sa lalawigan ng Bulacan kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Chief Inspector Abraham Rafanan, hepe ng Bulacan PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga nahuling suspek na sina Noel Papung, 38-anyos, ng Brgy. Minuyan, San Jose del Monte, magkapatid na Lourdes at Mary Ann Medina ng Norzagaray; pawang sa lalawigan ng Bulacan at Rodolfo Norumbaba, 44-anyos ng Barrio Ugong, Valenzuela City.
Ang mga suspek ay kabilang sa mga kidnapper ng biktimang si Tan na dinukot sa Caloocan City noong Enero 9 ng taong ito. Ang bangkay ng biktima ay natagpuan kinabukasan sa madamong bahagi sa kahabaan ng highway ng bayan ng Norzagaray , Bulacan, isang araw matapos na ito ay dukutin.
Una nang nasakote ng mga awtoridad sa Valenzuela City kamakalawa dakong alas-12:30 ng tanghali si Noelito Papung, 35-anyos na itinuturong lider ng isang kilabot na robbery/extortion gang na siya ring mastermind sa pagdukot sa biktima.
Ang mga suspek ay nasakote matapos ikanta ni Papung sa serye ng operasyon sa mga bayan ng San Jose del Monte at Norzaragay.
Lumilitaw naman sa pagsisiyasat na ang biktima at ang suspek na si Maryann ay magkasosyo sa negosyo at ang tanging balak lamang nila ang dukutin ito at kuwartahan ito na humantong sa pagpatay dahilan sa pagmamatigas ng nasabing plastic magnate.
Kasalukuyan na ngayong isinailalim sa kustodya ng Bulacan Provincial Jail ang mga suspek. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest