^

Probinsiya

Bundok gumuho: 2 bahay natabunan, foreman missing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang foreman ang iniulat na nawawala matapos ang naganap na landslide sa Brgy. San Ramon, San Ricardo, Southern Leyte nitong Linggo ng umaga.

Sa ulat ng Southern Leyte Police, ang pinaghahanap na biktima ay nakilalang si Dador Moscosa, 54-anyos, foreman ng 888 ACY Construction.

Ayon sa ulat, bigla na lamang nakarinig ng malakas na dagundong ang mga manggagawa sa nasabing konstruksyon at kasunod nito ay bigla na lamang rumagasa ang gumuhong bundok sa nasabing lugar.

Ayon sa mga opisyal ang landslide ay sanhi ng malalakas na pag-ulan mula alas-5 ng hapon noong Hulyo 12 hanggang alas-3 ng madaling araw kahapon.

Sa pagguho ng lupa ay nagtamo ng pinsala ang dalawang bahay,  sari-saring motorsiklo, kontrakor ng barracks, dump truck at mixer.

Bunga ng insidente nagsilikas ang mga residente sa lugar na pansamantalang nanuluyan sa kanugnog na barangay.

Nagsasagawa na ng search and rescue ope­ration ang mga awtoridad upang hanapin ang nasabing foreman sa pag-asang nakaligtas ito sa landslide.

DADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with