^

Probinsiya

Van rumagasa: 2 babae patay, 3 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang babae kabilang ang isang lola ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan makaraang suwagin ang mga ito ng isang rumaragasang van sa Brgy. Irisan, Baguio City nitong Sabado ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Baguio City Police, ang mga nasawi ay isang 60-anyos na matandang babae at isang 35-taong gulang.

Kabilang naman sa mga nasugatan ay dalawang batang 9-taong gulang at 3-taong gulang habang ang isa pa ay 34- anyos na babae.

Ayon sa imbestigas­yon, ang mga biktima ay naglalakad nang bigla na lamang gumulong ang isang nakaparadang van dahil hindi umano ma­ayos ang handbrake nito.

Bunsod nito, naararo ng behikulo ang nasabing mga biktima at napuruhan sa insidente ang dalawang babae.

Ang mga biktima ay dinala sa pagamutan pero dalawa sa kanila ay kapwa idineklarang dead-on-arrival.

VAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with