^

Probinsiya

Grade 8 ginulpi ng 5 kaklase matapos mag-cutting class!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Grade 8 ginulpi ng 5 kaklase matapos mag-cutting class!
Map of Nueva Vizcaya with Quezon
Wikimedia

MANILA, Philippines — Matapos masangkot sa bullying at panggugulpi ng kanilang babaeng kaklase noong Hulyo 8 na nag-viral sa social media, inirekomenda na ng mga opisyal ng Bambang National High School (BNHS) sa Brgy. Buag, Bambang, Nueva Vizcaya ang pagpapa­lipat ng eskuwelahan sa limang Grade 8 students.

Ito’y matapos ang nagawang pagpupulong noong Biyernes kung saan ay ipinatawag ng pamunuan ng eskuwelahan ang biktima, mga inirereklamong estud­yante, kanilang pamilya,  mga lokal na opisyal mula sa Buag at Bambang, pulisya at mga kinatawan ng Schools Division ng lalawigan.

Nitong nakalipas na Biyernes (Hulyo 11) matapos mag-viral sa social media ang insidente ay nagsagawa  ng imbestigasyon ang lokal na pulisya at ­pangasiwaan ng eskuwelahan hinggil sa insidente ng pambu-bully at pisikal na pananakit sa isang Grade 8 na babaeng estudyante at pitong iba pang babaeng estudyante ng BNHS noong Hulyo 8.

Samantalang ma­ging si Bambang Mayor Benjamin Cuaresma III ay hiniling din sa mga opisyal ng eskuwelahan ang sanhi ng insidente sa liham na ipinadala nito sa BNHS principal Luzviminda Cordero.

Ayon kay Dr. Orlando Manuel, School Division Superintendent ng Nueva Vizcaya, aminado ang mga magulang ng mga estudyante na nakagawa ng pagkakamali ang kanilang mga anak at susundin nila ang direktiba ng eskuwelahan.

Sa pahayag ni Bambang Police Chief P/Major Randy Velarde, ang estudyanteng biktima at mga nam-bully ditong kaklase nito ay nag-cutting classes saka nag-inuman malapit sa eskuwelahan.

Ang biktima ay kinompronta umano ng mga kaklase nito, kina­ladkad hanggang sa mabuwal, pinagsasampal saka pinagsisipa dahil sa negatibong komento.

Isa sa mga sangkot ay inirekord pala ang insidente saka ini-upload sa social media kung saan nag-viral ito. Inihayag pa ni Manuel na irerebyu nila ito at ikokonsiderang cyberbullying dahil sa uploading at pag-share ng nasabing video.

BNHS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with