^

Probinsiya

7 Abu patay sa CVO's

-
Camp Crame – Pito pang miyembro ng Abu Sayyaf splinter groups ang napaslang matapos makasagupa ang isang grupo ng mga Civilian Volunteers Organization (CVO) nang matiyempuhan ang mga itong armadong nagtatago sa North Upi, Maguindanao kamakalawa ng umaga.

Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga napaslang na bandido na pinamumunuan ni Ustadz Binago, lider ng may 20 Abu Sayyaf splinter groups sa ilalim ng pamumuno ni Commander Tiger.

Una rito, apat na bandido mula sa nagsanib na puwersa ng grupo ni ASG Chieftain Khadaffy Janjalani at Abu Sufia kidnap-for-ransom (KFR) gang ang nasawi habang pito pa ang nasugatan matapos makasagupa ang mga elemento ng Army’s 6th Infantry Division (ID) sa bahagi ng Brgy. Laguitan, North Upi, Maguindanao dakong alas-9 ng gabi kamakailan.

Base sa ulat, bandang alas-10 naman ng umaga kinabukasan ng makasagupa ng mga CVO’s ang grupo ni Binago sa nasabi ring barangay na ikinasawi ng pito pa sa mga ito.

Nabatid na may planong magtayo ng kampo ang nasabing bandidong grupo sa North Upi matapos na tumakas sa Palimbang, Sultan Kudarat dahilan sa pinalakas na operasyon ng militar laban sa mga ito. Patuloy naman ang isinasagawang pursuit operations ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa grupo ng mga bandido. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SUFIA

CAMP CRAME

CHIEFTAIN KHADAFFY JANJALANI

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

COMMANDER TIGER

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

NORTH UPI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with