^

Probinsiya

Lalaki nakuryente sa pagnanakaw ng kable

-
Rodriguez, Rizal – Nagmistulang nilitsong baboy ang isang 30 anyos na lalaki makaraang makuryente habang nilalagare ang kable ng kuryente na ninanakaw nito sa isang poste ng Meralco sa Brgy. San Isidro ng bayang ito kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Jason Orbista, residente ng Brgy. Balite, Rodriguez matapos magtamo ng grabeng pagkasunog ng katawan sa malakas na boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan nito.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Edwin Ignacio, may hawak ng kaso, dakong alas- 10:00 ng umaga ng akyatin ng biktima upang magnakaw ng kable ng kuryente ng Meralco sa kahabaan ng Sitio Irrigation. Brgy. San Isidro ng bayang ito .

Hindi umano sukat akalain ng biktima na mayroon palang dumadaloy na kuryente sa pinuputol nitong kawad kung saan ay bigla na lamang itong nagkikisay at nahulog sa poste na bumagsak sa semento. Lumilitaw naman sa rekord ng pulisya na ang biktima ay maraming beses ng nakulong matapos na mahuling nagnanakaw ng kable ng kuryente. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BALITE

BRGY

EDWIN BALASA

EDWIN IGNACIO

JASON ORBISTA

LUMILITAW

MERALCO

NAGMISTULANG

SAN ISIDRO

SITIO IRRIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with