Principal hinoldap binaril sa mata
December 26, 2003 | 12:00am
Nueva Ecija Doble kamalasan ang sinapit ng isang 33 anyos na elementary school principal matapos na holdapin na ay barilin pa sa kanang mata ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Brgy. Sumacab Norte, Cabanatuan City, ayon sa ulat kahapon.
Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ang biktimang kinilalang si Richard Gamboa, 33, may-asawa ng Brgy. Pinagpanaan, Talavera, Nueva Ecija, prinsipal sa Collado Elementary School sa bayan ng Talavera.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-10:30 ng gabi kamakailan habang nagpapagasolina sa Caltex Gas Station sa Brgy. Poblacion, Talavera ay lumabas sandali sa kanyang sasakyan na isang Sonata Hyundai van na may plakang WPX -952 para magsindi ng sigarilyo.
Lingid sa kaalaman ng biktima ay sumalisi ang holdaper na sumakay sa kaniyang behikulo at nang magbalik siya para umalis na sa nasabing gasolinahan ay laking gulat niya ng bigla na lamang siyang tutukan nito ng . 38 caliber pistol sa ulo sabay deklara ng holdap.
Inutusan umano ng suspek ang biktima na ihatid siya sa Cabanatuan City at pagsapit sa may likuran ng NE Pacific Mall ay pinahinto nito ang sasakyan.
Nilimas ng suspek ang mga alahas ng biktima na nagkakahalaga ng P 40,000; P 3000 cash na laman ng wallet nito subalit bago tuluyang tumakas ay binaril sa mata ang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am