^

Probinsiya

Pulis kritikal sa amok

-
Nueva Ecija – Isang pulis na nakatalaga sa Camp Crame ang iniulat na nasa malubhang kalagayan ngayon matapos tagain sa leeg ng isang nag-amok na lalaki sa naganap na insidente sa Brgy. Pantoc, Aliaga, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Inspector Ernesto de los Santos, hepe ng Aliaga Police ang biktima na si PO1 Alexander Biag na nilalapatan pa ng lunas sa Cabanatuan City Hospital.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Romeo Manalong ng nabanggit ding lugar.

Sa imbestigasyon, dakong alas-10:25 ng gabi ng magresponde ang biktima sa kaguluhang nagaganap sa naturang lugar sanhi umano ng alitan sa pagitan ng mga carollers at mga residente dito.

Nagwala umano ang suspek at biglang tinaga ang nasabing pulis habang nakatalikod at inaawat ang mga nagkakagulong tao sa lugar.

Mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang kaso. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ALEXANDER BIAG

ALIAGA

ALIAGA POLICE

BRGY

CABANATUAN CITY HOSPITAL

CAMP CRAME

CHRISTIAN RYAN STA

INSPECTOR ERNESTO

NUEVA ECIJA

ROMEO MANALONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with