Kawal napisak ng trak
December 19, 2003 | 12:00am
NUEVA ECIJA - Isang 31-anyos na kawal ng Philippine Army ang iniulat na namatay makaraang masalpok ng trak habang ang biktima ay nagmomotorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa panulukan ng Barangay Valle Cruz at San Isidro, Cabanatuan City noong Martes ng umaga. Halos mapisak ang katawan ng biktimang si Cpl. Ceferino Barayuga Jr., supply officer ng 7th Infantry Battalion at residente ng Purok 6, Barangay Villarosa, Licab, Nueva Ecija.
Agad naman sumuko sa pulisya ang drayber ng trak (GEN-416) na si Jimmy Castillo y Cristobal, 32 ng #280 Tugatog, Tambobong, Bocaue, Bulacan. Ayon sa pulisya, naitala ang insidente dakong alas-9 ng umaga matapos na lumiko ang minamanehong motorsiklo ng biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended