^

Probinsiya

3 patay sa plane crash

-
CAMP ADDURO, Tuguegarao City – Tatlong kalalakihan na pawang piloto ang kumpirmadong nasawi makaraang bumagsak ang sinasakyang pribadong eroplano sa bulubunduking bahagi ng Palanan, Isabela kamakalawa, Disyembre 13, 2003.

Sa pinagsamang ulat ng Manila Rescue and Coordinating Center (MRCC) ng Air Transportation Office (ATO) at ni P/Senior Supt. Napoleon R. Estilles, Chief Regional Intelligence and Investigation Division, kinilala ang tatlong namatay na empleyado ng Chemtrade Aviation Corporation na sina Capt. Lamberto Melo, piloto ng eroplano, Capt. Melvin Regis, co-pilot at Capt. Mario Valdez, crew chief at tumatayong mekaniko.

Napag-alaman na ang bumagsak na eroplano (RTC 868) ay lumipad mula sa Tuguegarao Airport dakong alas-11 ng umaga kamakalawa at lumapag naman sa Maconacon Airport dakong alas-12:08 ng Sabado.

Matapos ang ilang minutong paglapag ay agad naman tumuloy ang eroplano na walang lulang pasahero maliban sa tatlo patungong Palanan, Isabela ngunit nabigo na itong lumapag matapos bumagsak may tatlong milya ang layo sa Palanan landing area.

May teorya ang mga awtoridad na posibleng masamang lagay ng panahon ang naging sanhi ng trahedya subalit sinisilip din ang ilang anggulo kung ano talaga ang naging dahilan nang pagbagsak ng RTC 868.

Ayon naman kay Major Rogelio Migote ng 5th Infantry Division, nahirapan ang militar na nagsagawa ng agarang pagresponde dahil sa kinailangan nilang maglakad sa bulubunduking bahagi ng Sierra Madre dahil sa sama ng panahon kung kaya’t di nila magawang gamitin ang mga helicopter.

Sa kasalukuyan ay narecover na ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang bangkay ng tatlong nasawi na pansamantalang nasa bayan ng Palanan habang patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad. (Ulat nina Victor Martin, Butch Quejada at Joy Cantos)

AIR TRANSPORTATION OFFICE

BUTCH QUEJADA

CAPT

CHEMTRADE AVIATION CORPORATION

CHIEF REGIONAL INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

INFANTRY DIVISION

ISABELA

JOY CANTOS

LAMBERTO MELO

PALANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with