^

Probinsiya

7 kidnaper todas sa militar

-
CAMP SIONGCO, Maguindanao – Pitong kilabot na miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom gang ang iniulat na napatay samantalang walo naman ang nasugatan matapos ang dalawang oras na barilan at bombahin ng OV-10 bombers ang pinagkukutaan ng mga kidnaper ng Tsinoy trader sa kagubatan ng Cotabato City kahapon.

Kinumpirma naman ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan na pito nga ang napatay ng tropa ng militar matapos na sumiklab ang putukan sa kagubatang sakop ng hangganan ng Datu Piang at Talitay, Maguindanao.

Base sa nakalap na ulat, isa sa mga kawal ng Reconnaissance Company ng 6th Infantry Division na si Cpl. Edward Dionat ay nasugatan habang isa pang sundalo at kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang iniulat na nawawala sa patuloy na sagupaan.

Napag-alaman pa na ang kinaganapan ng engkuwentro ay kilalang kuta ng grupo nina Tahir Alonto at Mayangkang Saguile na kapwa lider ng Pentagon kidnap-for-ransom gang.

Kasalukuyan naman sinusuyod ng tropa ng militar ang Brgy. Nimao sa Datu Piang at Brgy. Linunangan sa Talitay para masagip ang dinukot na Tsinoy trader na si Norman Sia.

Nagpalabas na ng desisyon ang maimpluwensyang grupo ng Islamic missionaries sa Cotabato City na di-kikilalanin bilang Muslim at ex-communicated na ang mga kidnaper ni Sia. (Ulat ni John Unson)

BRGY

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

COTABATO CITY

DATU PIANG

EDWARD DIONAT

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

MAGUINDANAO

MAYANGKANG SAGUILE

NORMAN SIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with